Thursday, June 19, 2008

ten random facts/habits about me.

i. malakas ang kiliti ko, kahit saan. kaya as a child super no-no sa house namin ang kilitiin si kathleen.ü if you do that, im not gonna laugh. i will cry and scream for my mom. saktan nyo nako wag lang kilitiin.

ii. hindi pwedeng matapos ang isang araw ng hindi ako humaharap sa monitor at nagttype sa keyboard ko. hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakapag-online kahit saglit lang. there's something fulfilling about being in cyberspace. ewan ko. basta adik ako sa net.

iii. mahilig ako sa gadgets, kaso i don't have the funds to purchase several of them! next in line ko is ipod touch or psp (oo wala pakong psp!!), pero bka october nako makabili kasi mahal ng tuition ng utol ko eh. as of now kuntento muna ko sa sony cybershot t2. by december bibili ako ng UMPC (ultra mobile personal computer), pinagpipilian ko pa ang Asus EEE PC, Redfox Wizbook at MSI Wind.

iv. dalawa lang ang tv series na sinusubaybayan ko: desperate housewives at grey's anatomy. pero since ang bagal ng progress nung dalawa, dina-download ko ngayon sa torrent ang gilmore girls at prison break. pero pag nainip ako bka maghanap nalang ako ng dvd.

v. isang bagay lang ang pumupuyat sakin ngayon: cabal online. hindi ako papayag na napag-iwanan nako ng mga kalaro kong adik din sa online games.

vi. isa akong certified ebayer. halos karamihan ng stuff ko ngayon eh binili ko online. bags, cellphone, digicam, lingerie, perfume, puro sa ebay lahat galing. super cheap kasi as compared to malls, thankful naman ako kasi hindi ako naloloko, hehe. i guess kabisado ko na how to purchase items online.

vii. mahina akong uminom especially pag beer. mga 2-3 bottles of san mig light, bagsak nako. pero pag hard, mga until 6-8 shots ako bago tumumba. magssmoke nalang ako kesa uminom.

viii. mga sampung beses ko ng nirereformat tong pc ko this year. kung anu-ano kasing tweaks ang pinagagagawa ko kaya nagccrash. tapos pinagpipilitan ko pang mag-install ng MMORPG gaya ng RAN, Audition at Cabal kahit integrated video lang naman to. kaya nung last format ko, hinati ko na yung partition para dun ako sa kabila magssave ng files. ang daming pictures ang nabubura eh.

ix. kung may isang tao na hindi ako magsasawang kasama araw-araw, si kiann yun. my beloved pamangkin/inaanak. so so cute.Ü

x. inaaliw ko lang ang sarili ko kaya ako gumagawa ng 10 random facts na ito. thanks for the idea daine!Ü

No comments: